Ito ay isang komiks na likha ni Mervin Malonzo para sa mga Pilipinong mambabasa. At dahil ito ay online, ito ay libre! Magpunta sa ating Tabi Po Facebook page para sa mga updates!
Ang “Tabi po” ay kinatatampukan ng mga tauhang tiyak na iyong kagigiliwan - mga aswang, maligno, lamang-lupa at iba pang kagiliw-giliw na mga nilalang. Subalit ang kuwentong ito ay naglalaman din ng mga eksenang may matitinding karahasan at mga paksang hindi para sa mahihinang loob. Kung ang mga ito ay hindi angkop sa iyong panlasa, mangyari lamang na isarado mo ito ngayon din at matulog ka na lang nang mahimbing at mag-enjoy sa iyong panaginip.
Nais kong magpasalamat sa mga nagbigay ng komento at papuri sa ating "pagbubukas" noong unang linggo ng Mayo.
Para sa iba pang batikos at mungkahi, maaari akong maabot sa email na ito: mervin@tabi-po.com.
Samantala, narito ang iilan sa mga papuring aking natanggap.
Ganda ganda ng art! Im very interested in seeing a proper take on aswang. Im so happy na properly gory at gothic ang dating ng art mo, tapos talagang malaki ang potential nun concept. great work!
Mervin Malonzo's work reminds me of those old tabloid horror komiks and the House of Mystery before it was Gaiman-ized (hmmm and some Tales From the Crypt eps)
Gusto ni Mervin Malonzo na yumaman at sumikat ngunit ayaw sa kanya ng mga ito. Kaya pinili na lang n'yang magpakahirap kaya nya nagawa ang komiks na ito nang libreng-libre!
Hinde... Pangarap ni Mervin gumawa ng komiks kaya nag-resign sya sa trabaho at nag-concentrate sya dito. Pero dahil kailangan pa din nya kumain, freelance designer s'ya ngayon kasama ang kanyang malalapit na kaibigan.
Mabuti hanggang ngayon buhay pa din sila. Takot s'ya sa kulog at kidlat, mahilig s'ya sa pusa at may kasintahan s’yang prinsesa.